Nanganganib masibak sa serbisyo ang isang babaeng miyembro ng PNP-Special Action Force matapos maaktuhang bumabatak ng umano ng shabu kasama ang dalawang lalaki sa Taguig City.
Kinilala ang mga suspek na sina PO3 Lynn Tubig, naka-assign sa force support battalion sa SAF headquarters sa Taguig City at isa sa mga SAF trooper na nagbantay sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa simula December 2016 hanggang July 2017; kanya umanong nobyo na si John Vincent German at isang Fernando German.
Ayon kay NCRPO Director, Chief Supt. Guillermo Eleazar, nagsasagawa ng operasyon ang Taguig police na may kinalaman sa insidente ng nakawan nang mapansin ang isang lalaking may bitbit na baril sa Purok 6, barangay Tuktukan.
Hinabol ito ng mga pulis hanggang sa makapasok sa isang barung-barong kung saan nakita sina tubig na gumagamit ng iligal na droga.
Aminado naman si PO3 Tubig na ilang buwan na siyang gumagamit ng droga dahil sa depresyon pero itinangging nasa pot session sila nang maaresto ng mga kapwa pulis.
Inihayag ni Eleazar na nakalulusot si Tubig sa mga random drug testing sa PNP-SAF pero dahil pili lang ang isinasailalim dito.