Hindi tumitigil ang Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) na humanap ng mga makabagong pamamaraan at pagsasanay kung paano lalabanan ang terorismo sa bansa.
Ito’y upang hindi na maulit pa ang malagim na kinasapitan ng 44 na SAF Troopers na nasawi nang ikasa ang Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao, anim na taon nang nakalilipas.
Ayon kay PNP SAF Director P/BGen. Bernabe Balba, mas pinaigting pa nila ang ugnayan sa kanilang counrerparts mula sa Armed Forces of the Philippines o AFP at iba pang law enforcers upang hindi na maulit na insidente.
Sinabi pa ni Balba, kanila ring pinalalakas ang mga kagamitan at pasilidad ng SAF troopers upang makayanan nitong makipagsabayan sa operasyon.
Magugunitang nagtagumpay ang PNP-SAF sa kanilang pagtugis laban sa dalawang kilabot na Dawlah Islamiyah terrorists na sina Zulkifli bin Hir alyas Marwan at Abdul Basit Usman sa hideout ng mga nito sa Brgy. Tukanalipao.
Napatay si Marwan subalit kapalit naman nito ang buhay ng 44 na SAF troopers matapos na mapintakasi sa balwarte ng MILF habang nakatakas si Usman napatay din kalaunan. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)