Pabor ang Philippine National Police sa plano ni Incoming President Rodrigo Duterte na isama sa kanilang mga operasyon ang mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, welcome sa kanila ang nasabing set-up dahil magsisilbing support force nila ang militar sa gagawin nilang operasyon laban sa ipinagbabawal na gamot.
Pero, ang PNP pa rin aniya ang siyang magiging superior force o mangunguna sa mga gagawing law enforcement operations.
Sinabi ni Chief Supt. Mayor na mas pabor sa kanila ang ganitong set-up dahil may sapat na pwersa na magbibigay proteksyon sa mga raiding team.
By: Meann Tanbio