Isasailalim na sa digitalization ang hanay ng Philippine National Police (PNP) upang makasabay sa tinatawag na new normal ngayong coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Archie Gamboa kasunod na rin ng tumataas na bilang ng cybercrimes sa panahon ng quarantine.
Paliwanag ni Gamboa, dahil aniya sa stay at home policy, karamihan ay nakatutok lang sa iba’t ibang gadgets tulad ng cellphone at laptop .
Ito ang dahilan kaya’t marami ang nagpapakalat ng maling impormasyon at cyber-bullying na ilan sa mga itinuturing na cybercrime.
Kailangan na aniyang makasabay sa trend ang PNP dahil sa lumalawak na cybercrime kaya’t kailangan na rin nilang pataasin ang kakayahan ng pnp upang masugpo ito.