Sinampahan na ng kasong administratibo ng Philippine National Police (PNP) Internal Affairs Service ang piloto ng bumagsak na bell 429 helicopter sa Laguna noong nakaraang Marso.
Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson Police Col. Ysmael Yu, kasunod ng pagpanaw ng isa sa sakay ng chopper na si Police Major General Jose Maria Ramos, matapos na ilang buwang ma-comatose.
Ayon kay Yu, Setyembre pa ng ihain ng ias ang mga kasong grave misconduct, reckless imprudence resulting in serious physical injuries, multiple less serious physical injuries and damages to property.
Habang pinag-aaralan pa aniya ng tanggapan ni PNP Chief Police General Camilo Cascolan kung magsasapa rin ng kasong kriminal laban sa piloto.
Sinabi ni Yu, lumabas sa pagsisiyasat ng Special Investigation Task Group Bell 429 na nabigo ang pilot-in-command na si Police Lt. Col Ruel Salatar na magsagawa ng risk assessment sa pligid bago mag-take off.
Nakasaad din sa imbestigasyon na walang proble sa makina ng PNP chopper at airworthy ito bago nag-take off.