Pinaalalahanan ng Philippine National Police o PNP ang mga security agency na bawal ang pagsusuot ng costume sa mga guwardya kahit ngayong Holiday Season.
Ayon kay PNP – SOSIA o Supervisory Office for Security and Investigation Agencies Assistant Chief, Senior Superintendent Ildebrandy Usana, dapat mag – uniform at may baril na suot ang mga security guard lalo na sa entrance, exit, perimeter at parking ng establisyemento.
Ito’y upang madaling makilala ng mga tao at magsilbing deterrent o panakot sa mga kriminal.
May karapatan aniya ang mga guwardya na tumangging magsuot ng costume dahil sila mismo ay damay sa parusa oras na masita ng PNP – SOSIA.
Maaari namang umabot sa P50,000.00 ang multa sa guwardyang hindi naka – uniporme habang P30,000.00 sa security agency na kinabibilangan nito.
(Ulat ni Patrol 31 Jonathan Andal)
PNP-SOSIA issues memo to all security agencies to intensify security measures for ‘Ber Months,’ reminds them on the policy prohibiting security guards from wearing costumes (e.g. Santa Claus) while on post @dwiz882 pic.twitter.com/u9fTcBHRGf
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) November 21, 2017