Papalitan pansamantala ng mga miyembro ng Philippine National Police ang mga jail guard ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City sa pagsisimula ng administrasyon ni President-elect Rodrigo Duterte.
Ayon kay incoming Justice Secretary Vitaliano Aguirre, tinatayang Isanlibong PNP-Special Action Force troopers ang idedeploy sa NBP habang sumasailalim sa ilang buwang re-training ang mga jail guard.
Nakipag-ugnayan na anya sila kay incoming PNP Chief Ronald Dela Rosa na nangakong itatalaga ang SAF troopers sa Bilibid.
Naniniwala si Aguirre na kwalipikado ang SAF sa pagbabanta sa pambansang piitan dahil naging katuwang ang mga ito sa unang bahagi ng “oplan galugad.”
Samantala, plano ng susunod na Kalihim na i-rotate ang mga SAF member upang maiwasang masuhulan ng mga druglord at mayamang bilanggo habang magpapasaklolo rin ang PNP sa Armed Forces of the Philippines sa pagbabantay sa bilibid.
By: Drew Nacino