Hinamon ni PNP Spokesman, Senior Supt. Dionardo Carlos si Vice President Leni Robredo na idetalye ang sinasabi nitong Palit-Ulo Sceheme na ginagawa umano ng mga pulis sa Oplan Tokhang.
Ito’y makaranag akusahan ni Robredo ang PNP na nagsasagawa ng “Palit-Ulo” kung wala ang drug suspect na kanilang hinahanap sa listahan ay kapamilya nito ang dinadampot nila bilang kapalit.
Ayon kay Carlos, hindi tamang idikit ang Palit-Ulo Scheme sa Oplan Tokhang ng pambansang pulisya at hindi rin dapat palabasin na normal itong ginagawa ng lahat ng pulis.
Mali anya ang Palit Ulo Scheme kung ito man ay nangyayari kaya’t paparushaan nila ang sinumang pulis na mapapatunayang sangkot dito.
By Drew Nacino |With Report from Jonathan Andal