Mariing itinanggi ng Tagaytay City Police na hindi ito agad naka-responde sa malagim na sa aksidente na ikinasawi ng 6 na menor de edad noong linggo ng madaling araw.
Sa panayam ng DWIZ, ipinaliwanag ni Tagaytay City Police Chief Supt. Ferdinand Quirante na wala pang tatlong minuto ay nasa crash site na ang kanyang mga tauhan.
Katunayan, sinabi ni Quirante na tumulong pa ang mga pulis sa pagpatay ng apoy gamit ang apat na fire extinguisher at isang hose mula sa Starbucks.
Nilinaw din ni Quirante kung bakit mas inuna nilang apulahin ang apoy kaysa ilabas ang mga nakasakay sa nasusunog na kotse.
“Kasi po yung harapan mismo ng sasakyan ay halos dumikit na sa hood na kung saan doon nag-gegenerate ng apoy na kailangang patayin ang apoy para ma-extricate yung mga body, kaya lang nakita nila na nakaipit silang lahat doon sa sasakyan, kaya hindi po totoo na nagpabaya ang Kapulisan at barangay during the time.” Pahayag ni Quirante.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita
*Photo Credit: mb.com.ph