Handa ang lahat ng land, air at sea assets ng Philippine National Police o PNP para tumulong sa nagpapatuloy na national vaccination program ng pamahalaan.
Ito’y kasunod ng atas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa AFP at PNP na umalalay sa nasabing programa upang mabilis na makamit ng Pilipinas ang target na population protection kontra COVID-19.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, mula nang magsimula ang pagbabakuna ay tumutulong na ang PNP sa paghahatid ng bakuna sa mga malalayo at liblib na mga lugar sa bansa.
Maliban sa pagbibigay seguridad ay nakaantabay din aniya ang kanilang medical reserve force para maipakalat sa alinmang lokalidad na kailangan ng kanilang tulong para sa mas mabilis na bakunahan kontra COVID-19.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico mula sa ulat ni Jenny Valencia-Burgos