Dumistansya ang Philippine National Police sa Huawei, isang kumpanya sa China na gumagawa ng cellphone at iba pang equipment.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, wala namang personal na relasyon ang PNPsa Huawei.
Sinabi ni Albayalde na ang tanging nalalaman nya ay ang pakikilahok ng Huawei sa mga bidding ng PNP.
Una nang nagbabala ang Amerika na ginagamit di umano ng China ang Huawei sa kanilang paniniktik.
Wala naman kaming nakita, so far. Wala naman kaming nakita, yes, because of some allegations from other countries also and ‘yung mga information na gano’n. SO far naman kasi wala namang critical na pino-provide sa ‘min ang Huawei, e. Nothing on the camera, nothing on the cellphone, nothing on that, e. We have no realtioship with that except sila ay nagpo-provide lang ng kung anong, of course data participating in our bidding. That’s just about it. There’s nothing personal in the relationship of Huawei and PNP. Wala, it’s all professional.” paliwanag ni Albayalade.