Tiniyak ng Philippine National Police o PNP ang pakikiisa sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa 58 million peso subsistence allowance na hindi naibigay sa mahigit 4,000 SAF troopers simula 2016 hanggang 2017.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, welcome sa kanila anuman ang maging resulta ng naturang imbestigasyon.
Magugunitang nagturuan at nagsisihan ang mga dating opisyal ng PNP-SAF sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order noong Martes.
Inihayag ni dating SAF Head Police Director Benjamin Lusad na hindi niya alam na hindi naibigay sa SAF troopers ang dagdag na allowance na hawak ni dating SAF Budget Officer Police Senior Superintendent Andre Dizon.
—-