Tiniyak ng Philippine National Police o PNP na magkakaroon sila ng pagbabago sa ipatutupad na seguridad sa concert ni Ariana Grande sa Pilipinas sa Agosto.
Ito ay matapos ang nangyaring pagsabog sa konsyerto ni Ariana sa Manchester Arena sa United Kingdom na ikinasawi ng 22 katao.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos, dapat may mahigpit na pakikipag-ugnayan ang organizers ng Ariana Grande Concert sa pambansang pulisya upang masiguro ang kaligtasan ng mga dadalong fan.
Ang Ariana Grande Concert ay gaganapin sa August 17 sa Mall of Asia Arena.
By Ralph Obina