Tiniyak ng Philippine National Police o PNP na hindi maaapektuhan ang mga kaso laban sa drug suspects na nakabinbin sa Korte, kahit pa wala na dito ang ‘war on drugs’.
Sinabi ni PNP Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos na tinitiyak nila sa National Prosecution Service na magiging available pa rin ang mga police witness at ebidensyang hawak ng PNP sa mga kasong may kinalaman sa droga.
Sa ngayon aniya ay mayroong isandaan at siyam na libong (109,000) kaso ang naisampa nila laban sa mga drug offenders na naaresto sa mahigit pitumpung libong (70,000) operasyon.
Ayon kay Carlos, bahagi ng responsibilidad ng mga pulis ang court duty o pag-testigo sa husgado.