Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi sila titigil sa ginagawa nilang internal cleansing hangga’t hindi napapatino ang lahat ng pulis.
Iyan naman ang binigyang diin ni PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde matapos maaresto kamakalawa si Patrolman Leo Valdez dahil sa pagbebenta ng iligal na droga nito lamang Lunes.
Batay sa datos ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), aabot sa 721 mga pulis ang nasa kanilang counter-intellegence watchlist habang 854 naman ang nasa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Mula sa bilang na hawak ng Pangulo, sinabi ng PNP Chief na 391 sa mga ito ay aktibo pa subalit iniimbestigahan pa sa iba’t ibang kaso habang ang 400 dito ay pawang wala na sa serbisyo.
With report from Jaymark Dagala