Naka-full alert na ang PNP o Philippine National Police ngayong Semana Santa at bilang bahagi Oplan Summer Vacation 2017.
Ayon kay PNP Spokesman Senior Superintendent Dionardo Carlos, pitumpu’t limang libong (75,000) pulis ang ipapakalat sa buong bansa para tiyakin ang seguridad ng publiko ngayong panahon ng bakasyon.
Partikular na babantayan ng pulisya at ang mga pantalan, terminal, paliparan, mga mall at iba pang matataong lugar habang ang PNP Highway Patrol Group ang tututok sa mga pangunahing kalsada sa bansa.
Sinabi ni Carlos na makakaasa ang publiko na buong pwersa ng pulisya ang gagamitin sa pagbibigay ng seguridad sa publiko lalo’t kanselado ang bakayson ng mga pulis.
Metro Manila
Tiniyak din ng PNP na ligtas sa anumang banta ang Metro Manila ngayong Semana Santa.
Ito ay sa kabila ng pagkakaaresto sa dalawang Syrian na konektado sa teroristang grupong ISIS.
Ayon kay Carlos, walang dapat ipangamba ang mga taga-Metro Manila dahil sa wala naman aniyang namomonitor na bantang panseguridad ang mga awtoridad.
Puspusan din aniya ang pakikipag-ugnayan ng mga awtoridad sa interpol o Iternational Police at ASEANA Police kaugnay sa mga teroristang posibleng nasa Pilipinas ngayon.
Kasabay nito, sinabi ni Carlos na handa naman ang pamahalaan sa anumang klase ng bansa.
By Ralph Obina