Tiniyak ng Philippine National Police o PNP na hindi bibigyan ng special treatment ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Ayon kay PNP Spokesman Police Senior Superintendent Dionardo Carlos, korte ang magpapasya kung saan ikukulong ang mga akusadong pulis.
Pansamantalang nakapiit ang grupo ni Superintendent Marvin Marcos sa CIDG Region 8 detention facility habang pinag-aaralan pa ang kanilang mosyon at hinihintay ang commitment order ng korte.
Sinabi ni Carlos, alam ng mga taga CIDG Region 8 ang kanilang mga responsibilidad para sa tamang pagtrato sa sinumang akusado dahil sila ang mananagot sa korte kapag may nalabag dito.
Sakali aniyang magdesisyon ang korte para ilipat ng kulungan ang grupo ni Marcos, malugod na tatalima ang PNP.
By Avee Devierte |With Report from Jonathan Andal