Posibleng tanggalan ng Philippine National Police ng gun permits si Vice President Sara Duterte.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Jean Fajardo, hihintayin muna nila ang resulta ng imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group bago sila maglabas ng desisyon kaugnay dito.
Hindi naman sinabi ni PB Gen. Fajardo ang mga inisyu na lisensya kay VP Duterte.
Una nang nagsampa ng reklamo ang PNP laban sa Bise Presidente dahil sa direct assault; disobedience at grave coercion. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo