Tiwala ang Philippine National Police (PNP) na magbabalik pa sa Kampo Krame si Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’ para maghain ng extrajudicial confession.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, patuloy na nakikipag-ugnayan ang mga kamag-anak ni Advincula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Dagdag ni Albayalde, mismong si Advinbcula na ang nagsabing nakahanda siyang magbigay ng sinumpaang salaysay at mga ebidensiya.
Inamin naman ng PNP chief na wala pa itong pormal na kahilingan para mapasailalim sa kanilang kustodiya na siyang kailangan para mabigyan ito ng kaukulang seguridad.
Samantala, sinabi naman ng Albayalde na hindi pa nila nasisimulang suriin ang katotohanan sa mga bagong rebelasyon ni Advincula.
with report from Jaymark Dagala (Patrol 9)
PNP dinepensahan ang rape joke ni Duterte
Idinepensa ni Philippine National Police (PNP) chief general Oscar Albayalde ang panibagong pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol rape.
Ayon kay Albayalde, malinaw na biro lamang ang sinabi ng pangulo sa graduation ceremony ng PMA na patatawarin nito ang mga kadete sa kasong rape.
Binigyang diin ni Albayalde, hindi maaaring i-pardon ang anumang kasong kriminal tulad ng rape sa PMA dahil tiyak na sisipain agad ang mga ito sa akademiya.
Paliwanag pa ng PNP chief, bahagi na ng tradisyon sa PMA ang pagpapatawad sa mga offenses ng mga kadete na pawang mga administratibo lamang tulad ng excess demerits.
Dagdag ni Albayalde, may sariling istilo ng pagbibiro ang pangulo at hindi naman nila ito maaaring pigilan.
with report from Jaymark Dagala (Patrol 9)