Kumpiyansa si PNP Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa na magiging epektibo ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa China tulad ng una nang ginawa sa Amerika.
Ayon sa PNP Chief, ramdam niya ang sinseridad ng mga opisyal ng China nang makausap niya ito nuong bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing bansa kamakailan.
Dahil dito, sinamantala na ni Dela Rosa ang pagkakataon at humingi siya ng tulong sa China upang makipagpalitan ng impormasyon hinggil sa iligal na droga.
Hiniling din ng PNP Chief sa China na tulungan silang magsanay upang mapalakas ang kakayanan ng mga pulis sa Pilipinas.
By: Jaymark Dagala