Generally peaceful ang paggunita sa Araw ng mga Patay.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Oscar Albayalde, wala pa silang nakukuhang impormasyon o insidente sa loob at labas ng mga sementeryo sa Metro Manila.
Tiwala si Albayalde na hanggang matapos ang paggunita sa Araw ng mga Patay mamayang gabi o hanggang bukas ay magtutuluy-tuloy ang mapayapang sitwasyon sa mga sementeryo sa kalakhang Maynila.
Inaasahan naman na aniyang luluwag na ang mga sementeryo dahil karamihan sa mga Pilipino ay nakabisita na sa kanilang mga yumao kahapon pa.
QC
Wala ding naitatalang untoward incident ang Quezon City Police District sa mga sementeryong nasasakupan nito kaugnay sa paggunita ng Araw ng mga Patay.
Ayon kay QCPD Director Senior Supt. Guillermo Eleazar maayos ang sitwasyon sa anim na sementeryo at mga kolombaryo sa Quezon City simula nang dalawin ito ng publiko nitong nakalipas na weekend.
Flooded cemeteries
Hirap ang ilan na mahanap ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay na nakalibing sa mga pamilihan sa Dagupan City sa Pangasinan.
Ito ay dahil sa lubog pa rin sa tubig baha ang ilang sementeryo sa Dagupan ngayong paggunita sa Araw ng mga Patay.
Kabilang dito ang Bonoan Bokig Public Cemetery, Roman Catholic at Independent Cemetery.
Maging ilang sementeryo sa Masantol at Macabebe sa lalawigan ng Pampanga ay lubog pa rin sa tubig baha.
Despite the heavy pours
Patuloy ang pagdagsa ng mga nagtutungo sa mga sementeryo sa Metro Manila sa kabila ng mga pag-ulan.
Kumakapal na ang mga taong nagtutungo sa Eternal Memorial Gardens sa Baesa, Quezon City.
Sa Manila Memorial Park sa Sucat, Paranaque, ilan sa mga dumalaw sa puntod ng kanilang mahal sa buhay ay nagtayo ng mga tent para masilungan sa pagbuhos ng ulan.
Ayon kay Manila Memorial Park Manager Dennis Zalameda, halos 100,000 katao na ang nagtungo sa sementeryo simula alas-4:00 ng madaling araw kahapon kung saan ilan sa mga ito ay nagpalipas ng magdamag doon.
Nagkakaroon na ng bahagyang pagsisikip ng trapiko sa mga lansangan papasok ng Manila Memorial Park at maging sa kalapit nitong Loyola Memorial Park.
Samantala, libu-libo na rin ang nagtungo sa Manila North Cemetery gayundin sa Manila South Cemetery na kabilang sa ilang malalaking libingan sa Metro Manila.
Dinagsa rin ang Tugatog Public Cemetery sa malabon City kung saan halos 6,000 ang nakalibing.
Bahagi ng sementeryo ang apartment type na libingan na umabot na sa anim na level dahil sa over crowding.
Kabilang sa mga nakalibing sa tugatog cemetery ang action star ng 80’s na si Benjamin Garcia o mas kilala bilang Ben Tumbling.
Inaasahang 5,000 hanggang 6,000 katao ang inaasahang tutungo sa naturang sementeryo hanggang bukas, November 2.
By Judith Larino