Todo alerto na ngayon ang Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng inilatag na seguridad para sa pagdiriwang ng sambayanang pilipino ng kapaskuhan.
Ayon kay PNP Spokesman Police B/Gen. Bernard Banac, 6:00 kaninang umaga nang ilagay sa full alert ang status ng pambansang pulisya.
Dahil dito, nakakalat na ngayon ang nasa mahigit na 70,000 mga pulis sa buong bansa kaagapay ang mahigit 150,000 libong mga force multipliers.
Maliban sa pagkakasa ng mga public assistance hub, pinalakas din ng PNP ang kanilang police visibility sa mga areas of convergence gayundin sa mga simbahan lalo’t magsisimula na ang tradisyunal na simbang gabi mamaya.
Magtatagal ang full alert status ng PNP hanggang Enero 5 ng susunod na taon.