Tutugusin na ng Philippine National Police (PNP) tracker teams ang mga convicts na nakalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) kung hindi pa sila susuko hanggang sa September 19.
Ayon kay PNP spokesman, Brig. General Bernard Banac, palalabasin na nila ang kanilang tracker teams sa September 20, dahil tapos na ang 15 araw na palugit ng Pangulong Rodrigo Duterte para sumuko ang mga convicts.
Pinakamalaking hamon anya ngayon sa PNP ay kung paano hahanapin ang halos 2,000 bilanggo na nakalaya sa pamamagitan ng GCTA.
Sinabi ni Banac na nagagalak sila na marami na ang kusang sumusuko.