Pinangunahan ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang pagpapasinaya ng P800 milyon halaga ng mga bagong sasakyan ng PNP, ngayong araw.
Ang mga bagong sasakyang ay binubuo ng 10 utility trucks, 13 shuttle buses, 90 4-wheel drive troop carriers at 127 police patrol vehicles.
Ang 240 bagong sasakyan ay binili gamit ang pondong nakalaan para sa Capability Enhancement Program 2021 ng PNP.
Ayon kay PNP Acting Director for Logistics, Police Brigadier General Ronaldo Olay, ang mga utility truck ay ipapamahagi sa limang Area Police Offices sa North Luzon, Southern Luzon, Visayas, Eastern Mindanao at Western Mindanao.
Habang ang 13 shuttle buses ay ipapamahagi sa Police Regional Offices at PNP Academy.
Ang 90 4×4 troop carriers naman ay ibibigay sa mg Police Mobile Forces at Municipal Police Stations sa mga bulubunduking lugar; at ang 127 patrol vehicles at para sa iba’t ibang Police Stations.