Nag-donate ang Estados Unidos ng 32 explosive ordinance disposal o EOD equipment ang natanggap sa Philippine National Police (PNP).
Kabilang sa dinonate ng US Department of State Anti-Terrorism Assistance Program ang 9 na post blast investigation kits, 20 explosives incident counter-measures kits, 3 MK3 explosives incident counter robots, at 6 na pick-up trucks.
Isinagawa ang turn over kaninang umaga sa Camp Crame sa pangunguna nina PNP Chief Director General Ricardo Marquez at US Embassy Regional Security Officer Thomas McDonough.
Nabatid mula kay Marquez na unang gagamitin ang mga donasyong EOD equipment sa pagtitiyak ng seguridad sa panahon ng APEC.
Pagkatapos ng APEC, ipamamahagi ang mga kagamitan sa Manila Police District (MPD), Special Action Force, at Mindanao Police.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal