Dinipensahan ng Philippine National Police ang istilo ngayong ng pagpapatupad ng kampanya laban sa mga tambay.
Ito ay makaraang batikusin ang naturang kampanya at ihalintulad sa Martial Law.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, hindi na bago ang polisiyang ito at matagal na nilang ginagawa kahit pa sa ilalim ng kampanya kontra iligal na droga
Kasabay nito, tiniyak ni Albayalde na igagalang ng mga pulis ang karapatang pantao sa pagpapatupad ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga tambay.
Sinabi ni Albayalde na kung sakaling may umabusong pulis ay maaari itong isumbong sa PNP Human Rights Affairs Office, NAPOLCOM at sa PNP Internal Affairs Office.