Tumulong na rin ang Philippine National Police (PNP) sa clearing operations sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Ambo sa Region 8 o Eastern Visayas.
Ayon kay PNP SPOKESMAN P/BGEN. Bernard BANAC, inalis ng mga pulis ang mga nakahambalang na puno sa mga kalsada ng Taft, Eastern Samar gayundin sa mga bayan ng Lope De Vega at San Isidro sa Northern Samar.
Tumulong din ang PNP sa pagre-repack ng mga relief goods para sa mga naapektuhan ng bagyong Ambo sa Provincial Capitol ng Northern Samar.
Una nang ipinag-utos ni PNP Chief P/Gen. Archie Francisco Gamboa sa lahat ng police unit sa daraanan ng bagyong Ambo na manatiling nakaalerto at handa sa pagtulong para sa mga nangangailangan ngayong panahon ng kalamidad sa gitna ng pandemya sa COVID-19.