Kumikilos na ang Philippine National Police (PNP) upang tulungang makauwi ang mga istranded na manggagawa at estudyante sa Metro Manila.
Pinayuhan ni PNP Chief Archie Gamboa ang mga istranded na mamamayan na magtungo sa pinakamalapit na police station sa kanilang lugar upang makakuha ng travel authority.
Tiniyak ni Gamboa na hindi huhulihin at ita-tratong lumalabag sa quarantine guidelines ang mga locally stranded individuals (LSI) na lalabas ng bahay upang matungo sa police station kahit wala silang quarantine pass.
Una nang inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang PNP na lumikha ng help desk upang tulungan ang mga LSI.