Tutulong na rin ang Philippine National Police (PNP) para mapalakas ang presensya ng bansa sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Tiniyak ito ni PNP Chief General Debold Sinas sa gitna na rin ng mainit na usapin sa girian ng Pilipinas at China sa WPS.
Sinabi ni Sinas na kumikilos na ang PNP Maritime Group para tumulong sa Philippine Navy, Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (VFAR) sa pagsasagawa ng coastal patrol.
Una nang nakipagpulong sinas kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Cirilito Sobejana sa isinagawang joint peace and security coordinating council meeting noong isang lnggo.
Sa panig naman ni PNP Maritime Group Director Police Brigadier General John Mitchell, siniguro nitong paiigtingin nila ang intelligence gathering lalo na sa presensya ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)