Tutulong din ang Philippine National Pulis (PNP) sa local government units o lgus sa pagbabantay sa mga lugar na hindi kasama sa voluntary mask mandate.
Sa ilalim ng IATF Resolution No. 1, series of 2022 na nilagdaan nitong September 5, opsiyonal na ang pagsusuot ng face masks sa outdoor areas o open spaces, hindi crowded, at may sapat na bentilasyon.
Ayon kay Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr., kaniya nang inatasan ang mga pulis at lokal na pamahalaan na maging masigasig sa pagpapatupad ng minimum public health standard lalo na sa mga lugar na hindi pa maaaring magtanggal ng kanilang mga facemask.
Sinabi ng kalahim na kabilang sa pagbabawalang mag-alis ng facemask ang mga crowded areas at mga lugar na walang maayos na bentilasyon.
Patuloy ding paalala ng IATF sa mga senior citizen at mga immunocompromised individuals na panatilihin ang pagsuot ng face masks dahil delikado para sa kanilang kalagayan.