Umaasa si PNP o Philippine National Police Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na walang mangyayaring karahasan sa pagdaraos ng ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa PNP Chief, kanyang inatasan ang mga pulis na maging alerto at handa sa anumang sitwasyon lalo’t walang katiyakan aniya sa posibleng mangyari.
Binigyang diin ni Dela Rosa na iba ang sitwasyon ngayon kumpara sa unang SONA ng Pangulo kung saan ay sasabayan na ng protesta ang ulat sa bayan ng Punong Ehekutibo.
Tintayang nasa labindalawang libo (12,000) hanggang labinlimang libong (15,000) raliyista sa pangunguna ng grupong BAYAN ang inaasahang magpoprotesta ngayong araw.
By Ralph Obina
PNP umaasang magiging mapayapa ang SONA ngayong araw was last modified: July 24th, 2017 by DWIZ 882