Umapela ang pamunuan ng pambansang pulisya sa publiko ng pang-unawa, pakikiisa at pagtutulungan ngayong pinanatili ng pamahalaan ang pag-iral ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
Ayon kay PNP chief Guillermo Eleazar, sa ganitong panahon ito ang mabisang formula para tuluyang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng COVID-19.
Giit nito, na kung talagang mahal ng bawat-isa ang kanilang sarili at pamilya, nararapat din aniyang mahalin ang kapwa sa pamamagitan ng pag-iingat at pagsunod sa mga health protocols.
Magugunitang kagabi ay inanunsyo ng Palasyo ang pagpapaliban sa pagpapatupad ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila gayundin ang pagsisimula ng pilot implementation ng granular lockdown.—mula sa ulat ni Patrol 9, Jaymark Dagala