Mahigpit na nakikipag-ugnayan ang Philippine National Police (PNP) sa Commission on Elections (COMELEC).
Ito’y kasunod ng pinakahuling pahayag ng poll body na itinuturing na isang election offense ang paglabag sa health protocols sa COVID-19.
Nakasaad sa Section 34 ng COMELEC Resolution 10730, na kailangang magsumite ng Affidavit of Compliance ang mga kandidato sa physical campaigning na kanilang gagawin.
Sakaling mabigo na gawin ito ay may kaparusahan sa ilalim ng Mandatory Reporting of Notfiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.
Ayon kay PNP chief Police General Dionardo Carlos, handa silang ipatupad ang naturang kautusan lalo’t para naman ito sa ikabubuti ng lahat.
Hiniling lang ni Carlos sa bawat kandidato na dapat makipag-ugnayan sila sa mga awtoridad at tiyakin na mayroong plano sa crowd control kung mag-oorganisa ng kampanya upang hindi ito maging super spreader event. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)