Umapela ang Philippine National Police (PNP) sa mga kandidato na huwag gawing super spreader event ang kanilang pangangampaniya para sa 2022 National and Local Elections.
Ayon sa PNP, dapat na mapanatili ang COVID-19 health protocols kung saan, nakasaad din sa Section 34 ng COMELEC Resolution 10730, na kailangang magsumite ng Affidavit of Compliance ang mga kandidatong magsasagawa ng physical campaigning.
Ayon pa sa ahensya, ituturing na election offense ang mabibigong sumunod sa ipinatutupad na batas at posibleng maharap sa parusa sa ilalim ng Mandatory Reporting of Notfiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.
Nagpaalala naman ang COMELEC na ang bawat kandidato na nais magsagawa ng kampaniya ay maaaring makipag ugnayan sa mga otoridad para mapigilan ang siksikan upang maiawasan ang hawahan ng COVID-19.
Sa ngayon nakikipag-ugnayan na ang PNP sa Commission on Elections (COMELEC) para mapigilan ang super spreader event. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9), sa panulat ni Angelica Doctolero