Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) sa shifting o pagpapatupad ng mga protocols ng general community quarantine (GCQ) sa buong bansa.
Ito’y ayon kay PNP Spokesman P/Bgen. Bernard Banac ay kasunod na rin ng ikatlong araw ng pagpapatupad ng GCQ sa ilang lugar sa Luzon mula nang i-anunsyo ito ng IATF nuong Abril 30.
Kasunod nito, sinabi ni Banac na sa kasalukuyan, maayos pa namang naipatutupad ang mga protocols sa ilalim ng GCQ sa ilang mga lugar sa bansa kahit aminado silang tila nasabik ang marami sa pagluluwag ng seguridad.
Gayunman, sinabi ni Banac na bagama’t asahan na ang mga pagluwag sa seguridad sa mga GCQ areas, sinabi ni Banac na kailangan pa ring masunod ang ilang quarantine protocols tulad ng physical distancing, proper hygiene at palagiang pagsusuot ng facemask.
Patuloy naman ang apila ng PNP sa publiko na unawain ang ginagawa nilang paghihigpit dahil para na rin ito sa kapakanan ng mas nakararami.
Bagama’t maximum tolerance ang kanilang ipinatutupad lalo na sa mga checkpoint, hindi pa rin maiiwasan na magkaroon ng pagtatalo dala na rin ng mainit na panahon at pagod ng mga pulis.