Wala pang naitatalang seryosong banta ang Philippine National Police (PNP) sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw.
Ayon kay PNP Spokesperson Colonel Jean Fajardo, lahat ng kanilang security plans at paghahanda para sa panunumpa ng bagong pangulo ay nakalatag na kabilang na rito ang mga tauhan ng pulisya na naatasan sa mga lugar kung saan posibleng magsagawa ng mga protesta.
Bukod dito, nagsagawa rin ng anti-criminality check-points ang PNP sa mga entry points patungo ng Metro Manila, partikular na sa Central Luzon at Southern Tagalog.
Tiniyak din ng PNP na mayroong itatalagang tauhan sa Davao region dahil inaasahan na dadarating sa lalawigan si outgoing President Rodrigo Duterte pagkatapos ng aktibidad sa palasyo.