Wala pang natatanggap na ulat ang Philippine National Police (PNP) sa kabuuang bilang ng mga nahuhuling gumagamit ng vape o e-cigarettes sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. General Bernard Banac, indikasyon itong sumusunod ang lahat sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na i-ban ang pag-aangkat, pagbebenta at paggamit ng vape.
Samantala, tiniyak naman ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na tanging mga gumagamit lamang ng vape sa mga ipinagbabawal na lugar o ‘no smoking zone’ ang kanilang aarestuhin.
Ayon kay NCRPO Acting Director Police Brig. General Debold Sinas, hangga’t wala pang pormal na kautusan mula sa Malakanyang, mahigpit nilang ipatutupad ang mga kahalintulad na batas sa ilalim ng executive order 26 at probisyon ng Clean Air Act. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)