Tiyakin ang kaligtasan ng mga kabataan laban sa mga online content na posible nilang ikapahamak.
Ito ang napagkasunduan ng Committee for the Special Protection of Children, batay na rin sa mungkahi ng kinatawan ng Department of Justice o DOJ sa gitna na rin ng kontrobersya sa Momo challenge.
Ayon sa PNP, wala pa silang natatanggap na reklamo at wala pang url o web page na natutukoy hinggil sa nasabing challenge na ang target ay mga bata at mga menor de edad.
Ipinabatid ni DICT Secretary Eliseo Rio na pumayag na ang Facebook na i-block ang FB pages na nagpopromote ng momo challenge at iba pang mga kahalintulad na propaganda.
Sinabi pa ni Rio na may kapangyarihan din ang publiko sa tuldukan ang momo sa pamamagitan nang pagre report sa consumer@ntc.gov.ph ng anumang kaduda dudang mga website na nagpapakalat ng suicide challenges, harassment at iba pang harmful content.
Nangako ang NTC na kaagad nilang aatasan ang internet service providers na kaagad na i-block ang mga kahina hinalang urls.
Uubra rin aniyang tumawag sa hotline ng PNP na 414 1560 o bisitahin ang pinakamalapit na regional anti-cybercrime unit o police station para i-report ang anumang insidenteng may kaugnayan sa Momo chllenge.