Wala pang rekomendayon ang PNP o Philippine National Police hinggil sa muling pagpapalawig ng umiiral na Batas Militar sa Mindanao.
Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, masyado pang maaga para mapag-usapan ang usapin lalu’t sa Disyembre pa nakatakdang matapos ang Martial Law sa rehiyon.
Aniya, posibleng gumanda pa ang sitwasyon sa Mindanao sa mga susunod na buwan bagama’t mas pinaigting pa nila ang seguridad sa rehiyon para hindi sila malusutan ng mga terorista.
Sinabi ni Albayalde, sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang pagtaya ng kanilang hanay sa sitwasyon sa rehiyon.
Kasabay nito nakiusap naman si Albayalde sa mga lokal na pamahalaan at mga residente na makipagtulungan at makipagugnayan sa kanila.