Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na wala pa silang hawak sa ngayon na persons of interest kaugnay sa nangyaring pananambang sa radio broadcaster-commentator ng DWBL na si Percival Mabasa o mas kilala bilang si Percy Lapid.
Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., hindi pa sapat ang hawak nilang ebidensiya at maraming posibleng maging persons of interest kaya hindi pa nila ito matukoy.
Matatandaang una ng sinabi ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) na posibleng work related ang dahilan ng pagpatay sa biktima dahil sa pagiging hard hitting radio commentator nito.
Sa kabila nito, tiniyak ni Azurin na kanilang maibibigay ang hustisya sa pagkamatay ni ka-Percy.