Tiyak na masisibak sa serbisyo ang sinumang pulis na masasangkot sa indiscriminate firing kasabay ng pagsalubong sa bagong taon.
Ito ang babala ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Dionardo Carlos kasunod na rin ng insidente ng pamamaril ng 3 sundalo sa Taguig na ikinasugat ng 6 nuong araw ng Pasko.
Tulad aniya sa mga nagdaang taon, sinabi ni Carlos na wala silang balak selyuhan ang baril ng kanilang mga tauhan dahil tiwala siya sa disiplina ng mga ito.
Hamon din ng PNP Chief sa mga rehistradong nagmamay-ari ng baril na patunayang sila’y responsable sa pag-iingat ng kanilang mga armas.
Nanawagan din si Carlos sa publiko na agad ipag-bigay alam lang sa kanila kung may makikita silang nagpapaputok ng baril na hindi naman awtorisado bago habang o kahit matapos ang pagsalubong sa bagong taon. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)