Walang ipapataw na multa ang Philippine National Police (PNP) sa mga napasong lisensya ng baril mula Marso 17 hanggang Mayo 31.
Kasunod na rin ito nang ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay PNP Chief Archie Gamboa posibleng magbigay sila ng dalawang buwang palugit sa mga may ari ng baril para ayusin ang kanilang lisensya at permit to carry.
Ipinabatid ni Gamboa na simula Bukas, Hunyo 4 by appointment na ang pagsasaayos ng mga dokumento sa mga tanggapan sa ilalim ng PNP civil security group partikular ang FIREARMS and Explosives Office (FEO), sosia o Supervisory Office for Security (SOSIA) and investigation agencies, Highway Patrol Group at one stop shop.
Sinabi pa ni Gamboa na para sa mga aplikanteng tutungo sa Camp Crame dapat munang lumada sa isang contact tracing form sa gate, papi-pirmahan ito sa makakausap na tauhan ng pnp at iiwan bago lumabas ng kampo para mapabilis ang contact tracing sakaling mag positibo sa COVID-19 ang aplikante at makapag ingat naman ang mga nasa loob ng kampo mula sa banta ng naturang virus. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)