Walang namo monitor na anumang banta ng karahasan ang NCRPO sa Metro Manila ngayong araw ng eleksyon.
Ito ayon kay NCRPO Director Major General Guillermo Eleazar ay kahit pa naglunsad ng pag atake ang ilang komunistang rebelde sa mga nakalipas na halalan.
Nasa 16,000 pulis ang ipapakalat para matiyak ang seguridad sa mahigit 8,000 presinto sa kalakhang Maynila.
Tiwala si Eleazar na magiging maayos at mapayapa ang halalan matapos maka kumpiska ang mga pulis ng mahigit 1,500 hindi lisensyadong baril simula nang ipatupad ang gun ban nuong January 13.
Una nang inilagay sa full alert ang buong puwersa ng NCRPO para ma protektahan ang publiko at maka responde kaagad sa emergency situations.