Pinatitiyak ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Oscar Albayalde na hindi mahahaluhan ng mga armadong indibiduwal ang ikinakasang malawakang kilos protesta ng mga grupo ng mga manggagawa para sa Labor Day bukas.
Ayon kay Albayalde, bagamat wala pa silang namomonitor na anumang banta sa seguridad bukas, hindi naman aniya nila inaalis ang posibilidad na may mga armadong indibiduwal o grupo ang manamantala sa kilos protesta.
Tulad aniya ng nangyari sa Tarlac at Kidapawan City kung saaan nauwi sa madugong engkwentro ang dapat sanang mapayapang pagkilos ng mga magsasaka.
Dagdag ni Albayalde, maximum tolerance ang kanilang ipatutupad bukas pero aarestuhin aniya ang mga mahuhuling gagawa ng iligal.
Naka-heightened alert na rin ang buong pwersa ng PNP para sa Labor Day bukas.
(With report from Jonathan Andal)