Walang anumang banta na namomonitor ang Philippine National Police o PNP kaugnay sa paggunita ng ika-120 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw.
Pero ayon Chief Superintendent Rolando Anduyan, hepe ng Manila Police District o MPD, mahigpit pa ring babantayan ng kanilang mga tauhan ang mga lugar na pagdarausan ng programa tulad ng Rizal Park at Liwasang Bonifacio.
Inaasahang magtutungko sa mga nasabing lugar ang mga militanteng grupo kung saan ipo-protesta nila ang ilang mag isyu sa bansa gaya ng militarisasyon ng China sa West Philippine Sea, extrajudicial killings at maging ang epekto ng TRAIN Law.
Sinabi naman ni Anduyan na magpapakalat ng karagdagang pwersa ang National Capital Region Police Office para tumulong sa pagtitiyak ng seguridad ngayong Araw ng Kalayaan.
—-