Pinaalalahanan ng Pambansang Pulisya ang mga militanteng grupo na bawal magsagawa ng kilos protesta sa harapan ng People Power Monument habang isinasagawa ang mga programa kasabay ng EDSA anniversary bukas.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao, walang grupo ang binigyan ng permiso o permit ng Quezon City Government para makapagdaos ng mga kilos protesta sa nabanggit na araw.
Gayunman, nilinaw ni Bulalacao na hahayaan na nila ang mga nagnanais magsagawa ng kanilang pagkilos ang iba’t ibang grupo bago o matapos ang inilatag na programa ng mga kinauukulan.
Tinatayang nasa 1,800 pulis ang kanilang ipakakalat para tiyaking ligtas at mapayapa ang mga isasagawang programa sa naturang lugar kung saan, ipatutupad nila ang maximum tolerance.
Pagtitiyak naman ni Bulalacao na hanggang sa kasalukuyan, wala silang namomonitor na banta sa seguridad saan mang panig ng bansa kaugnay ng okasyon.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jonathan Andal
Posted by: Robert Eugenio