Walang namo-monitor na anumang banta sa seguridad ang Philippine National Police o PNP.
Kasunod ito ng ipinalabas na advisory ng Australia laban sa pagbibiyahe sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas dahil sa banta ng terorismo.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, muli lamang inilabas ng Australian government ang naturang travel advisory para paalalahanan ang kanilang mga mamamayan na maging extra careful o maging mas maingat sa pagtungo sa bansa.
Posible aniyang ikinokunsidera ng pamahalaan ng Australia ang pagganti o retaliation ng mga terorista matapos ang giyera sa Marawi City.
Una nang tinukoy ng Armed Forces of the Philippines o AFP na ang naturang advisory ng Australia ay inulit lamang ngayong buwan matapos itong mailabas noong Mayo.
—-