Walang namomonitor na anumang destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP).
Ito ang inihayag ng PNP matapos umugong ang balitang magkakaroon ng malawakang kilos protesta laban kay Pangulong Duterte sa ika-22 ng Pebrero –ilang araw bago ang anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, wala pa silang natatanggap na kumpirmadong impormasyon hinggil sa plano o pagkilos para pabagsakin ang pamahalaan.
Igiinit din ni Banac na nananatiling matibay ang suporta at katapatan ng PNP sa chain of command.
Kasabay nito, tiniyak naman ni Banac na mananatiling naka-alerto at mapagmatiyaga ang PNP para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa gayundin ang malabanan ang mga krimen.