Wala pa ring natatanggap na banta ang Philippine National Police (PNP) kasabay ng nalalapit na inagurasyon nina President-elect Ferdinand Marcos Jr. at Vice President – elect Sara Duterte-Carpio sa June 30.
Ayon kay PNP Spokesperson, Colonel Jean Fajardo, hindi nagpapakampante ang pambansang pulisya at patuloy na naghahanda sa inaasahang kaganapan.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan nila sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa intel monitoring.
Sa ganitong paraan, tiyak na hindi makalulusot ang sinumang nais manggulo sa inagurasyon.
Aabot sa 6,500 na pulis ang ipapakalat sa lungsod ng Maynila para sa inagurasyon ni Marcos habang 3,500 sa Davao City para sa inagurasyon ni Duterte-Carpio.