Nanindigan si Philippine National Police o PNP chief Director General Ronald Dela Rosa na hindi nila babaguhin ang inilabas nilang memorandum circular kaugnay sa Oplan Double Barrel.
Ito ay sa harap ng petisyon ng Korte Suprema na kumukwestyon sa legalidad ng nasabing memorandum kung saan nakasaad ang mga salitang “neutralized” at “negated”.
Matatandaang sinabi ni Atty. Jose Manuel Diokno mula sa free Legal Assistance Group o FLAG na ang mga naturang salita ay nangangahulugan para sa kanila ng “utos na pagpatay”.
Sinabi ni Dela Rosa na masyado lamang nilalaro ng mga kritiko ang mga ginagamit na salita sa inilabas nilang memo.
Giit pa ni Dela Rosa hangga’t hindi sinasabi ng Korte Suprema na unconstitutional o iligal ang nasabing memo ay hindi nila ito babaguhin.